PatrolPH

Importasyon nakikitang tugon ng gobyerno sa pagsipa ng inflation

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 08:17 PM | Updated as of Aug 18 2019 02:25 PM

Watch more on iWantTFC

Importasyon ng bigas, isda, asukal, at gulay ang nakikitang pansamantalang solusyon ng gobyerno sa inflation para dumami ang suplay at sa gayo'y mapababa ang presyo ng mga bilihin.

"Make sure na ang supply ng produkto, walang magkaroon ng shortage and we allow more supply to come in. Kung kulang ang local production, we allow importation," ani Department of Trade and Industry (DTI) secretary Ramon Lopez. 

Ito'y matapos ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang datos kung saan pumalo ang inflation nitong Hulyo sa 5.7 porsiyento.

Pero ayon kay Lopez, hindi agad-agad mararamdaman ang ginhawa sa importasyon. 

"Kung pumasok na 'yung imports, give it 2 to 3 months then hopefully we can start to feel 'yung tapering off nitong inflation," aniya. 

Ayon naman sa isang mambabatas, dapat tutukan ng administrasyon ang isyu ng inflation dahil posible itong mauwi sa krisis.

"This is already, I would say, the first 'near crisis' for the administration...My god, inflation will create more poverty. More poor people," ani Albay Rep. Joey Salceda.

Nilinaw naman ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na hindi niya isinusulong ang mas mababang taripa sa karne. 

Pero aniya, kayang ipasa sa Kamara ang mga panukala kaugnay sa importasyon sa loob ng tatlong araw.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.