Ilang investors sa Clark ecozone, tutol sa TRAIN 2

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 01:51 AM

Tutol ang ilang investors at locators sa Clark Freeport Zone sa isinusulong na ikalawang package ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Pinangangambahan ng mga namumuhunan rito na ito ang magiging hudyat para umalis o umurong ang mga negosyante.

"If it's in its current form presented by Department of Finance, it's not looking good. However, if it's amended as we proposed, we invision a lot of locators coming in," ani Francisco Villanueva, pangulo ng Clark Investors and Locators Association.

Base sa panukala, tatapyasan ang corporate taxes ng mga negosyo pero tatanggalin naman ang incentives na tinatanggap ng mga international corporation galing sa Philippine Economic Zone Authority.

"I think the folks that made a commitment to come here. They've spent millions and billions of dollars. They come from far away land to make structure. They were told that their tax rate is gonna be at 5 percent and they hired a lot of people and if they go away many people are not gonna have jobs," ani Harv Harvision, locator.

"Ang mga kausap natin dito ay ang mga international players. Pag pinabigat mo ito, lilipat lang. This means we lose employment, investment, we loose exports," ani Villanueva.

Mula sa 5 percent tataas ng hanggang 26 percent ang buwis galing sa corporate income tax at government local taxes sa ilalim ng TRAIN 2 package. 

Sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi niyang target itong mapatupad bago matapos ang 2018

Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang substitute bill ng TRAIN 2 na pinangalanang Tax Reform for Attracting Better and High-Quality Opportunities, o "TRABAHO" bill.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.