PatrolPH

Rollback sa petrolyo asahan sa unang linggo ng NCR ECQ

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2021 06:06 PM

MAYNILA—May rollback na aasahan sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya, sa harap ng unang linggo ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Kamaynilaan. 

 

  • Gasolina — P0.80-P0.90 /litro
  • Diesel — P0.70-P0.80/litro
  • Kerosene — P0.70-P0.80/litro

Ang gasolina, may bawas-presyo na P0.80 hanggang P0.90. 

Samantala, ang kerosene at diesel, may bawas-presyo na P0.70 hanggang P0.80 kada litro. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Amerika at China ang dahilan ng posibleng paghina ng demand ng petrolyo sa susunod na linggo kaya bumaba ang presyo. 

Bahagya ring lumakas ang piso kontra dolyar na nakatulong sa paghupa ng retail price sa Pilipinas. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.