Meralco may bawas-singil ulit sa Agosto

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 11:03 AM | Updated as of Aug 06 2019 07:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-abiso ang Meralco na magkakaroon ng bawas-singil sa bill ngayong Agosto. Ito na ang pang-apat na buwan ng magkakasunod na bawas-presyo. 

Nasa P0.42 kada kilowatt hour (kWh) ang ibabawas ng Meralco sa August bill bunsod ng mas mababang generation charge o halaga ng kuryente na binibili ng kumpanya sa spot market.

Katumbas ito ng P83 na bawas para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P125 sa 300 kWh, P167 sa 400 kWh, at P209 sa 500 kWh.

Kung susumahin, aabot na sa P1/kWh ang naging bawas-singil ng Meralco sa bill sa mga nakalipas na 4 na buwan. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.