Presyo ng langis, may tapyas simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2018 02:04 PM | Updated as of Aug 13 2019 03:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis nitong Lunes na magkakaroon ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Agosto 7.

Nasa P0.10 ang bawas sa kada litro ng gasolina at diesel habang P0.25 naman sa kada litro ng kerosene, ayon sa abiso ng mga kompanya.

Nauna nang magpatupad nitong Lunes ang Petro Gazz ng bawas na P0.20 sa kada litro ng gasolina at diesel.

OIL PRICE ROLLBACK

Petro Gazz (Lunes, 6 a.m.)
GASOLINE - P0.20/L
DIESEL - P0.20/L

SEAOIL (Martes, 12:01 a.m.)
GASOLINE - P0.10/L
DIESEL - P0.10/L
KEROSENE - P0.25/L

SHELL, Flying V, Petron, Caltex (Martes, 6 a.m.)
GASOLINE - P0.10/L
DIESEL - P0.10/L
KEROSENE - P0.25/L

PTT Philippines, TOTAL, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum, Unioil Petroleum (Martes 6 a.m.)
GASOLINE - P0.10/L
DIESEL - P0.10/L

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.