Petro Gazz, may tapyas sa presyo ng langis simula Lunes

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2018 07:06 PM

Nag-anunsiyo ang Petro Gazz na magkakaroon sila ng tapyas sa presyo ng kanilang gasolina at diesel simula Lunes, Agosto 6.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa P0.20 ang ibabawas ng kompanya sa kada litro ng gasolina at diesel, ayon sa kanilang abiso.

Magiging epektibo ang bawas-presyo simula alas-sais ng umaga.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.