Presyo ng asukal, umabot na sa higit P100/kilo sa ilang pamilihan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng asukal, umabot na sa higit P100/kilo sa ilang pamilihan

Presyo ng asukal, umabot na sa higit P100/kilo sa ilang pamilihan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 03, 2022 07:28 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Umabot na sa higit P100 ang isang kilo ng puting asukal sa ilang pamilihan dahil umano sa kakulangan ng supply.

Sa isang supermarket na pinuntahan ng ABS-CBN News ngayong Miyerkoles, pumalo sa P105 ang kada kilo ng refined sugar habang P75 naman ang brown.

Sa ibang supermarket, wala pa sa P100 ang refined habang nasa P60 hanggang P70 naman ang washed sugar.

Sa palengke, P90 naman ang kada kilo ng puting asukal at P70 ang brown sugar.

ADVERTISEMENT

Hindi naman masabi ng mga supermarket owner at tindera kung bakit sobrang mahal ng asukal.

"'Yong supplier wala ding alam pati sila nagugulat. 'Di rin nila alam," anang tinderang si Analyn Lim.

"Ang ahente 'di naman magbibigay ng reason e. Tsaka take it or leave it, ilang brands ba ang sugar? Apat, at the most siguro, or 5," ani Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Inc. President Steven Cua.

Ayon naman sa Sugar Regulatory Administration (SRA), hanggang Agosto 19 na ang supply ng asukal pero may parating naman na galing Negros at inaayos na ang importasyon ng asukal sa mga susunod na linggo.

Apektado raw kasi ang mga sugar mill ng Bagyong Odette pati na ang tag-ulan kaya humina ang produksiyon.

"We need to import and that is the instruction of the President as a stop gap measure at this point in time," ani SRA Administrator Hermenegildo Serafica.

Umapela naman si Serafica sa mga konsumer na huwag mag-panic buy ng asukal.

Bukod sa mga konsumer, isa sa mga negosyong sapul ang mga panadero na gumagamit na asukal sa halos lahat ng klase ng tinapay.

"Maga-adjust na naman po kami para maka-survive," ani Asosasyon ng Panaderong Pilipino Director Jam Mauleon.

Pero hindi lang asukal ang nagmamahal dahil nag-abiso na rin ng dagdag-presyo sa supermarkets ang 28 na produkto pero hindi naman umano ito basic goods.

Ayon naman kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, malapit nang desisyunan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling na dagdag-presyo ng sangkaterbang basic goods na noong nakaraang administrasyon pa humihirit.

Tiniyak ng DTI na sakaling payagan, hindi naman sobra-sobra ang magiging dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.