Rollback sa presyo ng langis nakatakda sa unang linggo ng Agosto
ABS-CBN News
Posted at Aug 01 2020 04:11 PM
MAYNILA - Magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa unang linggo ng Agosto, ayon sa mga taga-industriya.
Tinatayang rollback sa petrolyo:
- Gasolina → P0.30- P0.40/litro
- Diesel → P0.30- P0.40/litro
- Kerosene → P0.15- P0.20/litro
Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang inaasahang bawas sa presyo ng gasolina at diesel habang nasa P0.15 hanggang P0.20 kada litro naman ang rollback sa kerosene.
Sa tantiya ng Department of Energy, posibleng sa susunod na linggo na rin papatak sa mas maraming gasolinahan ang bawas na P1.50 sa presyo ng diesel at gasolina kapag naubos na ang lumang stock ng petrolyo na napatawan ng mas mahal na taripa noong Mayo at Hunyo.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, busina, oil prices, Busina, oil price hike, rollback, langis, petrolyo, gasolina, diesel, kerosene, gaas, pasada,