ALAMIN: Taas-presyo sa LPG simula Agosto

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2018 10:52 AM

Nag-anunsiyo kinagabihan ng Martes ang mga kompanya ng petrolyo na magkakaroon sila ng taas-presyo sa mga liquefied petroleum gas (LPG) sa pagpasok ng Agosto.

Giit nila, bunsod ito ng pagtataas ng international contract price ng LPG.

Ang Petron, sinabing magmamahal ang kanilang LPG nang P1.75 kada kilo o tinatayang P19 kada tangke.

Maging ang kanilang auto-LPG, may dagdag P1.00 kada litro.

Samantalang ang Solane, nag-abisong P1.72 ang magiging taas-presyo nila sa kada kilo ng LPG.

Epektibo ang paggalaw ng mga presyo ngayong Agosto 1, Miyerkoles.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.