PatrolPH

Price hike sa LPG, petrolyo asahan sa pagpasok ng Agosto

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2021 05:41 PM

Price hike sa LPG, petrolyo asahan sa pagpasok ng Agosto 1
ABS-CBN News/File

May aasahan muling price hike sa produktong petrolyo at LPG sa pagpasok ng Agosto, ayon sa mga taga-industriya.

Dagdag ng presyo: 

 

  • Gasolina — P1-P1.10 /litro
  • Diesel — P0.70-P0.80/litro
  • Kerosene — P0.70-P0.80/litro

Aabot sa P1 hanggang P1.10 kada litro ang inaasahang pagtaas sa gasolina. 

Nasa P0.70 hanggang P0.80 kada litro ang inaasahang dagdag sa diesel at kerosene. 

Ayon sa mga taga-industriya, sumipa ang presyo sa international market kasunod ng paglabo ng negosasyon sa pagitan ng US at Iran kaugnay sa oil embargo. 

Malaki rin ang magiging demand sa langis sa mga susunod na buwan kahit nagpasya na ang OPEC Plus na magdagdag ng produksyon. 

Ang presyo ng LPG, tataas din mula Linggo ng P3.35 kada litro, batay sa abiso ng Petron. 

Katumbas ito ng halos P37 sa kada 11 kilong tangke. 

P1.17 naman kada litro ang itataas ng auto-LPG. 

Inaasahang susunod din ang ibang LPG player dahil sa pagtaas ng international contract price. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.