Presyo ng gasolina, may higit P1 dagdag simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2018 01:41 PM | Updated as of Aug 07 2019 12:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

]

Nag-anunsiyo nitong Lunes ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Hulyo 31, 2018. 

Ayon sa abiso, P1.15 ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang P0.95 naman sa kada litro ng diesel.

Nasa P0.85 naman umano ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

OIL PRICE HIKE

Flying V, Shell, SEAOIL, Caltex, Petron (Martes, 6 a.m.)
GASOLINE +1.15/L
DIESEL +0.95/L
KEROSENE +0.85/L

PTT Philippines, TOTAL, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Jetti Petroleum (Martes, 6 a.m.)
GASOLINE +1.15/L
DIESEL +0.95/L

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.