PatrolPH

LISTAHAN: ERC emails depende sa reklamo ukol sa bill sa kuryente

Alvin Elchico, ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2020 09:01 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Kung kumonti ang reklamo sa mga Meralco branches dahil sa sumirit na electricity bills noong lockdown, dumarami pa rin ang email complaints sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Dahil dito, may ginawang sistema ang komisyon para sa maayos at mas organisadong paghahain ng reklamo.

"Inihiwahiwalay 'yan dahil ang una pag di namin na-evaluate e hindi namin maire-refer sa meralco," ani ERC chairperson Agnes Devanadera. 

Narito ang angkop na emails depende sa uri ng reklamo:

  • cas1@erc.ph — kung nagdoble o nagtriple ang bill sa kuryente  
  • cas2@erc.ph — kung hindi nabawas sa current bill ang nabayaran na noon
  • cas3@erc.ph — kung may bill na dumating kahit walang tao sa bahay o establishment
  • cas4@erc.ph — kung walang billing na natanggap o request for meter reading

Nagdagdag na rin ng tao ang Meralco para sumagot sa sangkaterbang reklamo kasunod ng ulat na umabot ng 250,000 ang mga complaints na natanggap ng ERC ukol sa billing ng kompanya.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.