MAYNILA - Nasa 22,296 kabahayan at mga establisimyento sa Mandaluyong City ang maaapektuhan ng water service interruption simula Lunes ng gabi, Hulyo 27 hanggang Martes ng umaga, Hulyo 28, ayon sa Manila Water.
Ang water interruption ay bunsod ng pipe interconnection activities sa may Nueve de Pebrero Street, Barangay Mauway, sabi ng Manila Water.
Mag-uumpisa ang pagkawala o paghina ng tubig alas-9 ng gabi ng Lunes at tatagal hanggang alas-6 ng umaga ng Martes.
Narito ang mga apektadong barangay:
- Highway Hills
- Addition Hills
- Pleasant Hills
- Mauway
- Malamig
- Plainview
- San Jose (Sitio 4)
- Wack-Wack Greenhills East
- Hagdang Bato Libis (Clairmont)
Inabisuhan ng Manila Water ang mga residente sa mga nasabing barangay na mag-ipon ng tubig na sapat lamang para sa interruption period.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, tubig, konsumer, utilities, water interruption, Manila Water, Mandaluyong City, walang tubig