Ilan pang oil firms nag-anunsiyo ng bawas-presyo

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 12:15 PM | Updated as of Jul 22 2019 03:47 PM

(UPDATE) Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo ngayong Lunes ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto, na ipatutupad simula Martes, Hulyo 23.

Nasa P0.25 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina at P0.20 sa kada litro ng diesel, ayon sa Caltex, Eastern Petroleum, at PTT Philippines.

Magpapatupad din ang Caltex ng P0.40 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene

Naunang mag-anunsiyo ng parehong halaga ng bawas-presyo ang Shell, Petro Gazz, at Seaoil.

-- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.