Mga malikhaing negosyante, palit produkto muna ngayong pandemya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga malikhaing negosyante, palit produkto muna ngayong pandemya

Mga malikhaing negosyante, palit produkto muna ngayong pandemya

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 21, 2020 06:25 PM PHT

Clipboard

City hall employees arrange the sewing machines prepared by the local government at the Universidad de Manila on June 13, 2020. George Calvelo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Nagpalit muna ng ibinebentang produkto ang mga maliliit na negosyante sa ilang probinsya dulot ng pandemya, ayon sa Philippine Commission on Women (PCW).

Pinakamalaki ang epekto ng pandemya sa paghahatid at pagbebenta ng mga produkto gaya ng kape, cacao at iba pa galing probinsya papuntang Maynila, sabi ni PCW-OIC project manager Carmen Lopez sa panayam sa DZMM Teleradyo.

"Ngayon po creative ang ating mga babaeng negosyante all over the country. Hindi na lang po sila nalimita sa pagpo-produce ng mga pagkain pero may iba po talaga na nag-pivot sa ibang bagay. Kumbaga gumawa sila ng ibang produkto," sabi ni Lopez.

Ang ilang kababaihan na hindi makabenta ng banana chips, gumagawa na muna ng face masks na higit na mas mabenta bilang proteksyon sa COVID-19, ani ni Lopez.

ADVERTISEMENT

Ang mga seller naman ng kape, nagpapalaki na rin ng mga manok at baboy na mas madaling ibenta sa mga kalapit na lugar.

"Babalik na lang daw po sila sa kanilang original na produkto pag natapos na ang quarantine," dagdag ni Lopez.

Para matulungan ang iba pang negosyante na nangangailangan ng suporta sa pagpapalit ng mga produkto o pagkakakitaan, maaaring dumalo sa mga online roundtable discussion at mentoring program ng Philippine Commission on Women.

Dagdag pa ni Lopez, ang grupo nila ay direktang nakikipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology at sa Department of Agriculture upang makapaghatid ng kabuhayan sa ating mga kababayan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.