Presyo ng petrolyo tatapyasan simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 11:45 AM | Updated as of Jul 21 2019 01:14 PM

Nag-anunsiyo ngayong Linggo ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto sa Martes, Hulyo 23.

Nasa P0.25 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina at P0.20 sa kada litro ng diesel, ayon sa Shell, Petro Gazz at Seaoil.

Magpapatupad din ang Shell at Seaoil ng P0.40 bawas-presyo sa kada litro kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.