Ika-60 anibersaryo ng PANA, ipinagdiwang

Bettina Magsaysay, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 12:25 AM

Ginawaran ang Skycable Corporation ng 2018 Panata Brand Builder Bronze Award para sa excellence in marketing innovation para sa kampanyang "#GotOnSky." ABS-CBN News

MAYNILA - Ipinagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng Philippine Association of National Advertisers (PANA) ngayong Biyernes na may temang “Championing Responsible Brand Building” sa Makati.

Sa unang pagkakataon, inilunsad ng PANA ang "Gawad Panata" kung saan 5 indibidwal ang ginawaran para sa kanilang naging kontribusyon sa larangan ng advertising, marketing, at brand building.

Sila rin ang mga nagsilbing inspirasyon at mga haligi ng industriya.

"We are recognizing inspirational icons who have served, contributed and continue to impact the industry from black and white tv to the era of social media. It is a distinguished award only on the 60th year. The awardees were voted on by a jury of the most respected industry people," ani Anna Legarda-Locsin, pangulo ng PANA.

Kabilang sa mga jurors ng Gawad Panata ay ang head ng Creative Communication Management ng ABS-CBN, Robert Labayen.

Ang limang awardee ng Gawad Panata ay sina Ernest Lawrence Cu, president at CEO ng Globe Telecom Inc.; Johnip Cua, chairman ng Xavier school at P&Gers Fund; Blen Fernando, marketing director ng Alaska Milk Corp.; Ramon Jimenez Jr., dating tourism secretary; at Margot Torres, managing director ng Golden Arches Development Corp. (McDonald’s Philippines).

Ginawaran naman ang Skycable Corporation ng 2018 Panata brand builder bronze award para sa excellence in marketing innovation para sa kampanyang "#GotOnSky."