PatrolPH

ALAMIN: Taas-presyo sa ilang pangunahing bilihin

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2021 03:54 PM | Updated as of Jul 20 2021 08:06 PM

Watch more on iWantTFC

Inihayag ngayong Martes ng Department of Trade and Industry na inaprubahan nito ang hiling na taas-presyo ng mga manufacturer ng mga pangunahing bilihin matapos mapako ng halos 2 taon.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, naglalaro sa hanggang 7 porsiyento ang inaprubahang price increase na katumbas ng hanggang P1.

Narito ang taas-presyo sa ilang basic goods:

  • Kape - 3 porsiyento o P0.15 kada pack
  • Gatas - 1 porsiyento o P0.50 kada pack
  • Sardinas - 3 porsiyento o P0.50 hanggang P0.75 kada lata
  • Canned meat - 4 hanggang 7 porsiyento o P0.75 hanggang P1 kada lata
  • Instant noodles - 3 hanggang 4 porsiyento o P0.25 hanggang P0.40 kada pack

Binigyang diin ni Lopez na tumaas ang presyo ng raw materials kaya naaprubahan ang hiling ng mga manufacturer.

Samantala, umapela naman ang grupong Laban Konsyumer sa mga may-ari ng mga supermarket na huwag munang ipatupad ang taas-presyo para maprotektahan ang mga mamimili sa dagdag-gastos.

Pero ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua, hindi nila mapipigilan ang price hike dahil manufacturer ang nagpapatupad nito.

Mayroon ding lehitimong katuwiran ang mga manufacturer sa pag-adjust ng kanilang mga presyo, ani Cua.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

 RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.