MAYNILA (UPDATE) - May bahagyang pagtaas ng presyo sa kada litro ng petrolyo na inaasahan sa Martes, Hulyo 20, anunsiyo ng ilang oil companies ngayong Lunes.
Unang nag-anunsiyo ang Shell, ng pagtaas ng P0.30 sa kada litro ng kerosene at diesel at P0.10 pagtaas sa kada litro ng gasolina na epektibo alas-6 ng umaga ng Martes.
Ganito rin ang magiging taas-presyo sa Seaoil.
Ang Petro Gazz, PTT at Total ay may P0.30 kada litrong pagtaas na inaasahan sa diesel, at P0.10 dagdag sa presyo ng gasoline.
Ang CleanFuel, magkaka-P.030 kada litrong dagdag-presyo sa diesel habang mapapako naman ang presyo ng kanilang gasolina.
Ang Caltex, magkakaroon ng pagtaasn ng P0.10 kada litro sa kada litro ng platinum at silver fuel, at P0.30 kada litrong dagdag sa diesel at kerosene pagpatak ng alas-12 ng madaling araw ng Martes.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, petrolyo, gas prices, July 20, Busina sa petrolyo, gasoline, Caltex, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, gasolina