PatrolPH

ALAMIN: Inaasahang galaw sa presyo ng produktong petrolyo sa Hulyo 21

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2020 05:20 PM

MAYNILA - Inaasahan ang rollback sa presyo ng gasolina at diesel habang magkakaroon naman ng dagdag-presyo sa kerosene sa Martes, Hulyo 21, batay sa tantiya ng mga taga-industriya.

Maglalaro sa P0.20 hanggang P0.40 kada litro ang bawas-presyo sa gasolina.

Walang galaw o maaaring abutin ng P0.05 kada litro ang bawas-presyo sa diesel.

Nasa P0.10 hanggang P0.20 kada litro naman ang inaasahang dagdag-presyo sa kerosene.

Sa susunod na linggo hanggang katapusan ng buwan namang inaasahang may rollback dahil sa pagbalik ng lumang taripa ng imported na petrolyo.

Ito ay matapos mapaso ang batas na nagpapataas ng buwas ng mga ito noong Hunyo 25, 2020. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.