Pinakamalaking port passenger terminal sa bansa, binuksan sa CDO

Jayberth Pairat, ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 02:57 AM

CAGAYAN DE ORO—Binuksan na nitong Lunes ang pinakamalaking port passenger terminal sa bansa.

Mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ang pangunahing bisita sa pagbukas ng bagong passenger terminal sa Macabalan Port sa Cagayan de Oro.

Kaya nitong mag-accomodate ng 3,000 pasahero sa 2-storey passenger terminal building.

Kompleto ito sa X-ray scanners, body scanners, security cameras at mga boarding station. Meron din itong opisina ng Coast Guard at quarantine.

Naglagay rin ng green spaces, playing area, prayer rooms, food stalls at pasalubong center sa gusali.

Dati meron lang 1,000 passenger capacity ang lumang terminal.

"This is the centerpoint of Visayas and Mindanao," ani Tugade.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.