MAYNILA - Sa ika-3 sunod na linggo ay may namumuro nang rollback sa presyo ng petrolyo, ayon sa Department of Energy.
Sa unang apat na araw ng trading, nasa halos P5 na ang ibinagsak sa presyo ng imported gasoline.
Halos P2 naman ang ibinagsak sa diesel. Pero sa kerosene, nasa P0.50 lang ang puwede pang mabawasan dahil sa patong na premium at iba pang dagdag-gastos sa importasyon.
"Mukhang magandang balita dahil magkakaroon tayo ng rollback, although sabi ko lagi i-manage ang expectation kasi napaka-volatile ng presyuhan kasi may isang produkto. Kumbaga may posibilidad na mahatak [kung] hindi maganda resulta ang resulta sa Friday na trading," ani DOE Assistant Director Rodela Romero.
Paniwala ng ilang analyst na maaaring manatili ang pababang trend sa buong mundo dahil sa paghina ng ekonomiya ng buong mundo at lockdown dahil sa COVID-19 surge.
Sa ngayon nasa higit P70 na ang kada litro ng diesel, at ang gasolina, mula sa P80 hanggang P90 na nitong mga nakaraang buwan.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Busina, Price Patrol, oil prices next week, TV Patrol, TV Patrol Top