Presyo ng petrolyo tataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 12:33 PM | Updated as of Jul 13 2020 05:58 PM

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Hulyo 14, ayon sa abiso ng ilang oil firm.

Ayon sa Shell, Seaoil, Petro Gazz, Cleanfuel, Total, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Flying V, Caltex, at Petron, P0.65 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.30 sa kada litro ng diesel. 

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Flying V, Caltex, at Petron ng P0.40 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na magtataas alas-4:01 ng hapon. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.