PatrolPH

Ika-7 sunod na oil-price hike sasalubong sa mga motorista sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2021 05:02 PM | Updated as of Jul 10 2021 06:54 PM

MAYNILA (UPDATE) —Big time ang aasahang dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, ayon sa mga taga-industriya. 

Paggalaw ng presyo: 

  • Gasolina — P1.10-P1.30/litro
  • Diesel — P0.50-P0.60/litro
  • Kerosene — P0.50-P0.60/litro

Ang gasolina, may P1.10 hanggang P1.30 kada litrong dagdag-presyo na inaasahan. 

Ito ang ika-3 sunod na linggong may higit P1 dagdag-presyo sa gasolina. 

Watch more on iWantTFC

May P0.50 hanggang P0.60 kada litrong dagdag namang dapat asahan sa diesel at kerosene. 

Paliwanag ng mga eksperto, humina ang palitan ng piso kontra dolyar. Kasama ring sanhi ang hindi pagkakasunod ng OPEC Plus sa laki ang idaragdag sa produksyon ng langis. 

Nagpapatuloy rin ang pagsipa ng oil demand sa Amerika. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.