Meralco may bawas-singil sa July 2020 bill

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 02:27 PM | Updated as of Jul 10 2020 09:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Nag-abiso ang Meralco na magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong Hulyo. 

Aabot sa P0.0286 kada kilowatthour (kWh) ang ibabawas ng Meralco sa July bill.

Katumbas ito ng P5.72 na bawas para sa mga kabahayang may buwanang konsumo na 200 kWh, P8.58 sa 300 kWh, P11.40 sa 400 kWh, at P24.30 sa 500 kWh.

Paliwanag ng Meralco, ginamit muli nila ang prinsipyo ng “force majeure” dahil sa pagbagsak ng konsumo ng kuryente dahil sa lockdown.

“The general principle is yung total demand cannot be absorbed by the actual contracts,” ani Larry Fernandez, Meralco Utility Economics head.

ESTIMATED BILL REFUND

Hinikayat naman ng Meralco na pumunta sa kanilang opisina ang lahat ng kanilang customer na nagbayad ng estimated bills noong Abril at Mayo para sa bill refund.

Kung nasa P5,000 ang nabayarang estimated bill, ibabalik ito sa cash.

Pero kung lagpas P5,000 tseke ang ibabalik sa kustomer.

Babayaran nang installment ang aktwal na konsumo.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.