ALAMIN: Mga alok na trabaho sa 'Build, Build, Build'

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2018 06:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bunsod ng mga proyektong pang-impraestruktura ng pamahalaan, na bahagi ng programang "Build, Build, Build," tumaas ang pangangailangan para sa mga trabahador sa sektor ng konstruksiyon.

Kaakibat nito, inilunsad ang isang job hiring and search portal kung saan makikita ang mga bakanteng trabaho na may kinalaman sa "Build, Build, Build" na administrasyong Duterte.

"Ito po ay designed specifically sa 'Build, Build, Build' program so lahat po ng contractors na may project po sa 'Build, Build, Build,' pino-post nila 'yong requirements," ani Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

"These are jobs that are readily available," ani Villar.

Halos nasa 15,000 trabaho ang makikita at maaaring apply-an sa website.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Clerical and administrative
  • Legal
  • Architecture and engineering
  • Building and construction
  • Accounting and finance
  • Customer service
  • Security
  • Management and operations
  • Hospitality
  • Medical and health care
  • Human resources
  • Procurement and supply chain
  • Production and quality
  • Computer and information technology
  • Property and asset management

 Puwede ring pumili ng trabaho base sa lokasyon ng itinatayong proyekto.

Nakatakda rin ang isang job fair para sa "Build, Build, Build" sa Agosto 12, Linggo, sa SMX Convention Center sa Pasay City. --Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.