PatrolPH

Inter-agency council na tututok sa financial stability ng bansa, pinabubuo ng Malacañang

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2021 08:19 PM

MAYNILA - Naglabas na ng executive order ang Malacañang para tutukan ang polisiya ng gobyerno patungkol sa financial stability ng bansa.

Sa ilalim ng Executive Order No. 144, pinabubuo ang isang Financial Stability Coordination Council (FSCC) na isang inter-agency council.

Pamumunuan ang Executive Committee ng FSCC ng governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas bilang chairperson. 

Narito naman ang mga miyembro ng isinusulong na inter-agency council:

  •  Finance secretary
  •  Insurance commissioner
  •  Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) president
  •  Securities and Exchange Commission (SEC) chairman
  •  isang senior official mula sa 5 member agencies na magsisilbing non-voting members.

Trabaho ng FSCC na maglabas ng direktiba at policy regulations para matiyak ang financial stability sa bansa.

Ito rin ang magsasagawa ng koordinasyon sa foreign regulators at maging sa public at private organizations para sa data collection na mahalaga sa pagbuo ng polisiya.

Kukunin daw ang budget ng FSCC mula sa pondo ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

- Joyce Balancio, ABS-CBN News

PANOORIN:

Watch more on iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.