PatrolPH

Gasolina, kerosene may bawas-presyo simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 06 2020 11:29 AM | Updated as of Jul 06 2020 03:39 PM

MAYNILA (UPDATE) — Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad sila ng bawas-presyo sa gasolina at kerosene simula Martes, Hulyo 7.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Flying V, Caltex, at Phoenix Petroleum, P0.65 ang bawas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil Flying V, at Caltex ng P0.40 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na maga-adjust ng mga presyo alas-8:01 ng umaga at Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.