PatrolPH

Ika-6 sunod na price hike sa ilang produktong petrolyo, asahan sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2021 08:05 PM

MAYNILA—May oil-price hike na inaasahan sa gasolina at diesel, ayon sa mga taga-industriya. 

Ito na ang ika-6 sunod na linggong may dagdag-presyo sa produktong petrolyo. 

Paggalaw ng presyo: 

  • Gasolina — P1.00-P1.10/litro
  • Diesel — walang galaw- P0.05/litro
  • Kerosene — walang galaw- P0.05/litro (bagsak-presyo) 

May P1 hanggang P1.10 dagdag-presyong inaasahan sa gasolina. 

Ang diesel posibleng di gumalaw ang presyo o magkaroon ng P0.05 kada litrong price hike. 

Watch more on iWantTFC

Posibleng di gumalaw ang presyo o magkaroon ng P0.05 kada litrong rollback sa kerosene.

Paliwanag ng mga taga-industriya, kumaunti ang suplay ng petrolyo dahil sa bagong patakaran ng China kaugnay sa taxation. 

May pag-aalinlangan din ang merkado dala ng muling pagsipa ng kaso ng COVID na sanhi ng Delta variant. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.