PatrolPH

LPG may bawas-presyo ngayong Hulyo

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2022 02:31 PM

MAYNILA — May rollback simula ngayong Biyernes sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG). 

Nasa P0.40 ang ibinaba sa kada kilo ng LPG ng Petron, habang P0.22 sa auto-LPG. 

Ang Solane, P0.36 ang naging bawas-presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas. 

Bunsod ito ng pagbaba ng international contract price ng LPG. 

Nangyari ang bawas-presyo sa gitna ng price hike ng ilang oil products, bagay na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng pasahe. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.