PatrolPH

May tanong o reklamo sa inyong Meralco bill? Alamin ang dapat gawin

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 03:00 PM

MANILA – Marami ang nagulat sa paglobo ng kanilang electric bill matapos ang lockdown. Paano nga ba ito reremdyuhan? 

Narito ang payo ng MERALCO:

 

1. Basahin ang electric bill. Tingnan nang maigi ang “period covered” sa bill.

2. Kung may pagdududa sa sinisingil, basahin ang nakalagay sa metro ng kuryente. Kung mas mataas ang nakasulat sa metro kaysa sa dapat bayaran sa bill, maaaring tama ang sinisingil. 

Pero kung mas mababa ang meter reading kumpara sa natanggap na bill, maaaring mag-request uli ng check reading sa MERALCO.
 
3. Kung may tanong o reklamo, puwede tumawag sa MERALCO hotline 16211 at ibigay ang detalye.

4. Maaari ring pumunta sa mga tanggapan ng MERALCO. Importanteng dala ang electric bill, resibo kung nakapagbayad na, photo ng metro ng kuryente at kalian ito kinuhanan.

Ayon sa MERALCO, kung sakaling mali ang nakuhang reading ng kanilang meter reader, otomatiko itong naitatama sa susunod na reading kahit ito ay hindi maireport ng customer.

Noong Hunyo 10, napagsabihan na ng Energy Regulatory Commission ang Meralco na magpaliwanag ukol sa mga maling bill na sakop ang panahon ng lockdown. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.