Gasolina may higit P1 kada litrong taas-presyo simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 12:12 PM | Updated as of Jul 01 2019 07:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) Nag-abiso ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo simula Martes, Hulyo 2.

Tataas ng P1.20 ang kada litro ng gasolina habang P0.95 naman ang itataas sa kada litro ng diesel, ayon sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total, Unioil, Eastern Petroleum, at Petron.

Tataasan din ng Shell, Petron, at Seaoil ng P1 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Epektibo naman simula nitong Lunes, Hulyo 1, ang rollback sa presyo ng LPG.

Nasa P3.40 ang bawas ng Petron at Phoenix LPG Philippines sa kada kilo ng kanilang LPG at P1.90 bawas sa kada litro ng auto-LPG.

Tinapyasan din ng Eastern Petroleum ng P3.40 ang kada kilo ng kanilang LPG.

Nasa P3.36 ang bawas-presyo ng Solane sa kanilang LPG.

Babawasan naman ng Cleanfuel ng P1.60 ang presyo ng kada litro ng auto-LPG.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.