Presyo ng langis, tataas

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2017 06:41 PM

Sa ikaanim na sunod na linggo, tataas na naman ang presyo ng gasolina. Nitong Lunes kasi, Agosto 28, nauna nang inanunsiyo ng ilang kompanya ng langis ang dagdag sa presyo kada litro ng gasolina, gayundin sa presyo ng diesel at kerosene.

Tinatayang maglalaro ang taas-presyo sa P0.35-P0.45 centavos kada litro.

Ito na ang ikapitong magkakasunod na dagdag presyo sa gasolina na umaabot na ng mahigit P3.OO kada litro.

OIL PRICE HIKE

Diesel = P0.25-P0.35/litro

Kerosene = P0.40-P0.50/litro

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.