MAYNILA (UPDATE) — Magkakaroon umano ng malakihang pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas sa Huwebes, unang araw ng Hulyo.
Ayon sa Petron, simula alas-12:01 ng hatinggabi, P5.20 ang kanilang taas-presyo sa kada kilo ng LPG habang P2.90 naman sa kada litro ng auto LPG.
Ayon naman sa Solane, simula alas-6 ng umaga, tataasan nila nang P5.19 ang presyo ng kada kilo ng LPG.
Nauna nang ipinaliwanag ng mga taga-industriya na nag-iimbak ng supply ng langis ang China at United States para sa taglamig kaya sumirit ang presyo nito.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, busina, konsumer, LPG, liquefied petroleum gas, auto LPG, price hike