ALAMIN: Bawas-presyo sa LPG, dagdag-presyo sa gasolina

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 04:59 PM | Updated as of Jun 30 2019 08:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE 3) Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magkakaroon ng bawas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Lunes, Hulyo 1.

Epektibo alas-12:01 ng hatinggabi, babawasan ng Petron at Phoenix LPG Philippines ng P3.40 ang kada kilogram ng kanilang LPG at P1.90 bawas sa kada litro ng auto-LPG.

Nasa P3.36 ang bawas-presyo ng Solane sa kanilang LPG simula alas-6 ng umaga.

Samantala, magpapatupad naman ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang Shell mula alas-6 ng umaga ngayong Martes, Hulyo 2.

Tataas ng P1.20 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina habang P0.95 kada litro naman ang dagdag sa diesel at P1.00 kada litro ang dagdag sa kerosene.

Nag-anunsiyo na rin ng dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ang Petro Gazz mula alas-6 ng umaga ngayong Martes, Hulyo 2.

Tataas ng P0.95 kada litro ang presyo ng diesel habang P1.20 kada litro naman ang dagdag sa presyo ng gasolina.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.