Presyo ng produktong petrolyo, LPG magtataas sa pagpasok ng Hulyo

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2018 09:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi umubra ang desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na dagdag-produksyon para magsunod-sunod ang rollback sa presyo ng petrolyo sa Pilipinas.

Sa susunod na linggo kasi ay may nakaamba na namang oil price hike.

Tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo:

• Diesel -- P0.50-P0.60/litro
• Gasolina -- P0.50-P0.60/litro
• Kerosene -- P0.50-P0.60/litro
    
Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng diesel, gasolina, at gaas.
    
Paliwanag ng mga eksperto, sa kabila ng desisyon ng OPEC ay bumaba naman ang produksyon ng langis ng ilang bansa kaya tumaas pa rin ang presyo.

May paliwanag din si SEAOIL President at CEO Francis Glenn Yu kung bakit nabalewala ang anunsiyo ng OPEC.

"There was a large draw-down in US inventories last week of over 9 million barrels. Also, market expects that US will pressure allies to impose sanctions on Iran which will offset the agreed increase in production by OPEC," aniya.

LPG MAY TAAS-PRESYO DIN

Samantala, may dagdag-presyo rin sa liquid petroleum gas (LPG) simula Linggo, Hulyo 1. 

Ayon sa sources ng ABS-CBN News, maglalaro sa P0.50 hanggang P1.00 kada kilo o katumbas ng P5.50 hanggang P11.00 ang dagdag-presyo sa regular na LPG tank.

Ang Solane, nag-anunsiyo nang magtataas ng P0.91/kilo sa kanilang presyo simula alas-6 ng umaga ng Linggo.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.