Big time rollback sa tangke ng LPG nagbabadya sa Hulyo

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2019 06:17 PM | Updated as of Jun 29 2019 09:37 PM

Magkakaroon muli ng big-time rollback sa presyo ng LPG simula Lunes, Hulyo 1.

Batay sa estimate ng ilang taga-industriya, tinatayang nasa P3 hanggang P4 ang inaasahang bawas sa kada kilo ng LPG.

Katumbas ito ng P33 hanggang P44 bawas sa kada 11 kilogramong tangke.

Nagkaroon din ng bigtime rollback sa presyo ng LPG bago mag-Hunyo, kung saan pumalos sa P68 ang ibinawas na presyo sa kada tangke ng LPG. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.