MAYNILA—May oil-price hike na inaasahan muli sa ika-5 sunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.
- Gasolina — P1.05-P1.10/litro
- Diesel — P0.60-P0.70//litro
- Kerosene — P0.60-P0.70//litro
May P1.05 hanggang P1.10 dagdag-presyong inaasahan sa gasolina.
Ang diesel at kerosene, may inaasahan ding P0.60 hanggang P0.70 dagdag na presyo.
Paliwanag ng mga taga-industriya, patuloy na humina ang palitan ng piso kontra dolyar habang umaakyat ang demand o pangangailangan ng langis sa Amerika, Europa, at China.
Inaabangan ang meeting ng OPEC sa Hulyo 1, dahil kung malaki ang idadagdag sa produksyon ay maaaring magpahupa ito sa presyo ng langis. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, gas, busina, Busina sa Petrolyo, oil price hike, Philippines gas prices