ALAMIN: Water interruption sa Rizal, ilang bahagi ng Metro Manila, Hunyo 25-26

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2020 02:08 PM | Updated as of Jun 25 2020 07:40 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Ilang lugar sa Rizal, Pasig, Marikina, Mandaluyong, at Quezon City ang makakaranas ng mahabang oras ng water service interruption simula hapon ng Huwebes.

Sa inilabas na abiso ng Manila Water, mawawalan ng suply ng tubig simula alas-5 ng hapon ang ilang bahagi ng Rizal at magtatagal ito hanggang alas-8 ng umaga ng Biyernes. 

Kabilang dito ang mga sumusunod na barangay: 

  • Angono
  • San Isidro
  • San Roque
  • Sto. Nino
  • San Vicente
  • Kalayaan
  • San Pedro
  • Poblacion Ibaba
  • Poblacion Itaas
  • Bagumbayan
  • Binangonan
  • Pag-asa
  • Tayuman
  • San Carlos
  • Tagpos
  • Bilibiran
  • Pantok
  • Palangoy
  • Darangan
  • Taytay
  • Muzon
  • San Juan 

Sa Pasig City, simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay Palatiw at Barangay Pinagbuhatan. 

Samantala, makararanas ng water service interruption sa ilang bahagi ng Loyola Grand Villas sa Quezon City simula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga Biyernes. 

Sa Marikina City, mawawalan ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay Sto. Niño alas-11 ng gabi ng Huwebes hanggang alas-4 ng madaling araw Biyernes. 

Habang sa Mandaluyong City, simula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-5 ng umaga ng Biyernes mawawalan ng tubig sa ilang bahagi ng Barangay Mauway. 

Bunsod ito ng isasagawang upgrade sa transmission network, line meter replacement, pipe maintenance, at interconnection.


-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.