MAYNILA — Inaasahang tataas pa ang presyo ng asukal sa harap ng umano'y kakulangan nito sa merkado, ayon sa isang tanggapan ng Department of Agriculture.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration, Pebrero pa nila nakikita umano ang magiging kakulangan ng asukal dahil sa bagyong Odette at iba pang sama ng panahon.
“SRA has always been transparent with the figures on production and demand," sabi ng pinuno ng tanggapan na si Hermengildo Serafica.
“As early as February, we have already projected that we will have a deficit in our sugar supply largely because of weather disturbances such as typhoon Odette, excessive rain and overcast skies which has been detrimental to the growth and sugar content of the sugarcanes in majority of sugar producing areas," dagdag niya.
Ayon pa sa SRA, kukulangin pa ang suplay ng asukal sa bansa dahil natagalan ang pag-aangkat dahil sa mga temporary restraining order ng sugar producers, kaya asahan din na tataas pa ang presyo ng nito.
Muling tumaas nang P10 ang presyo ng asukal sa ilang mga palengke dahil sa mga serye ng oil price hike, ayon sa ilang nagtitinda.
“Hindi naman na ‘yan kailangan mag-import kasi sapat naman ang suplay," sabi ng nagtitinda na si Crisa Ignacio.
Pero nanindigan si Agriculture Secretary William Dar na may kakulangan sa suplay ng asukal sa bansa at kinakailangan nang mag-angkat nito.
“You need to boost productivity of sugar. The industry needs sugar. They were balancing their actions. Matagal na ‘yon sinsasabi naming na nagkukulang,” ani Dar.
Sinabi naman ng Sugar Regulatory Administration na hindi midnight deal ang importasyon.
— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.