'Big-time' rollback sa presyo ng petrolyo, inaasahan sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2018 07:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Malaki-laki ang tapyas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo dahil sa pagmura ng imported na langis.

Tinatayang rollback sa susunod na linggo:

• Gasolina -- P1.20-P1.30/litro
• Diesel P0.90-P1.00/litro
• Kerosene P0.80-P0.90/litro
    
Maglalaro sa P1.20 hanggang P1.30 kada litro ang tapyas sa presyo ng gasolina.
    
Nasa P0.90 hanggang P1.00 kada litro naman ang rollback sa diesel.
    
Asahan din ang P0.80 hanggang P0.90 kada litro na bawas-presyo sa kerosene.

Posible pang masundan ang rollback sa mga susunod na linggo dahil sa desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na dagdagan ng 600,000-700,000 barrels kada araw ang produksyon ng langis.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.