PatrolPH

Ika-4 na sunod na oil price hike asahan sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2021 06:27 PM

MAYNILA—May inaasahan muling dagdag na presyo sa langis sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

Ito na ang ika-4 na sunod na linggong magkakaroon ng taas-presyo. 

Maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 ang itataas ng kada litro ng gasolina. 

May dagdag namang P0.60 hanggang P0.70 na inaasahan sa diesel at kerosene. 

Paliwanag ng mga eksperto, humina ang piso kontra dolyar habang patuloy na lumakas ang demand sa langis sa buong mundo. 

Dahil dito, pataas pa rin ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas. 

Kung susumahin, aabot na sa P1.50 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, P1.35 sa diesel, at P1.15 sa kerosene sa nakalipas na 3 linggo. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

MULA SA ARKIBO 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.