Oil price hike, nakaamba sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2018 09:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pagkatapos ng dalawang magkasunod na rollback, magmamahal na ulit ang diesel, gasolina, at gaas sa susunod na linggo.

Tinatayang dagdag-presyo sa Martes:
• Diesel -- P0.30-P0.40/litro
• Gasolina -- P0.10-P0.20/litro
• Kerosene -- P0.40-P0.50/litro

Maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang taas-presyo sa diesel, P0.10 hanggang P0.20 sa gasolina, at P0.40 hanggang P0.50 sa kerosene.
    
Mula sa umpisa ng taon hanggang nitong linggo, mas malaki pa rin ang itinaas kaysa ibinaba sa presyo ng petrolyo.

Ang pagtaas sa diesel, nasa halos P9 na kada litro. Sa gasolina, nasa P8.57 kada litro ang net increase. Habang sa gaas naman ay lagpas P8 na din ang nadagdag.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.