PatrolPH

Presyo ng petrolyo muling tataas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2020 01:37 PM | Updated as of Jun 15 2020 06:28 PM

(UPDATE) Nag-abiso ang mga oil firm na muling magtataas ng presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Hunyo 16.

Bunsod umano ito sa pagmahal ng presyo ng petrolyo sa world market at hindi pa kasama ang taas-presyong inaasahan dahil sa pagpataw ng 10 porsiyentong dagdag sa buwis sa inangkat na langis.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, Total, PTT Philippines, Flying V, Petron at Phoenix Petroleum, tataasan nila ng P1.10 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P1.25 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Petron, at Flying V ng P0.75 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-4:01 ng hapon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.