PatrolPH

Presyo ng petrolyo muling tataas sa Hunyo 15

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2021 11:19 AM | Updated as of Jun 14 2021 06:01 PM

MAYNILA (UPDATE) — Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 15, sabi ngayong Lunes ng mga kompanya ng langis.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Caltex, PTT Philippines, Flying V, Phoenix Petroleum, Petron, at Total, tataas nang P0.40 ang presyo ng kada litro ng diesel at P0.50 ang kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din umano ang Shell, Seaoil, Caltex, Flying V, at Petron ng P0.30 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na maga-adjust alas-4:01 ng hapon.

Dere-deretso ang lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong buwan ng Hunyo.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.