PatrolPH

Ika-6 na sunod na price hike sa diesel, kerosene nagbabadya

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2020 04:31 PM

MAYNILA - Inaasahan muli ang pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Hunyo 16, batay sa tantiya ng mga taga-industriya. 

Magkakaroon ng P0.90 hanggang P1 kada litrong dagdag-singil sa diesel at gasolina. 

Samantala, magkakaroon ng P0.70 hanggang P0.80 dagdag-presyo sa kerosene. 

Ito ang ika-6 na sunod-sunod na dagdag-singil sa diesel at kerosene. 

Inaasahan ding magsimula sa susunod na linggo ang dagdag-presyo, dahil sa dagdag-buwis na ipapataw ng gobyerno sa langis. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.