Higit P2 kada litrong bawas-presyo sa petrolyo ipatutupad sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Jun 10 2019 12:47 PM | Updated as of Jun 10 2019 07:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis na magkakaroon ng higit P2 bawas sa presyo ng mga produkong petrolyo simula Martes, Hunyo 11.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, PTT Philippines, Total at Unioil, babawasan nila ng P2.70 ang kada litro ng diesel at P2.45 ang kada litro ng gasolina.

Tatapyasan din ng Shell ng P2.60 ang kada litro ng kanilang kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga sa Martes.

Nauna nang magpatupad ng parehong halaga na bawas-presyo sa petrolyo ang Phoenix Petroleum noong Sabado at Seaoil nitong Lunes.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.