PatrolPH

Petrolyo may taas-presyo sa Hunyo 8

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2021 02:17 PM | Updated as of Jun 07 2021 06:19 PM

(UPDATE) Nag-abiso ang mga kompanya ng langis ng taas-presyo sa kanilang mga produkto, na ipatutupad sa Martes, Hunyo 8.

Ayon sa Shell, Petro Gazz Seaoil, Caltex, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Petron at Flying V, tataasan nila nang P0.55 ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel, at P0.20 sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, Caltex, Petron at Flying V ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga, maliban sa Caltex na mag-a-adjust alas-12:01 ng hatinggabi.

Simula naman alas-4:01 ng hapon ng Martes, tataasan ng Cleanfuel nang P0.55 ang presyo ng kada litro ng kanilang diesel. Walang galaw ang presyo ng kanilang gasolina.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.