LTFRB naglabas ng show cause order laban sa Grab

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 08:16 PM

MAYNILA - Ipinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Hunyo 11 ang MyTaxi.ph Incorporated, na siyang nagpapatakbo sa Grab, ukol sa deactivation ng nasa 8,000 units nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTFRB na dapat na-deactivate na ng Grab ang drivers na hindi nagsumite ng aplikasyon para sa accreditation ng ahensiya batay na rin sa utos ng nito ilang buwan na ang nakararaan.

Dagdag ng ahensya, as of June 6, may 5,000 provisional authorities pang hindi nakukuha ng drivers.

Pagpapaliwanagin din ang Grab sa hindi nito pagpapatupad ng 20 percent discount sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens at estudyante at kung may nakahandang remedyo ang Grab para rito.

Wala pang tugon ang Grab ukol sa pahayag ng LTFRB sa mga oras na ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.