PatrolPH

Oil price hike asahan sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2021 04:53 PM

MAYNILA—May aasahan muling oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya. 

 Inaasahang galaw sa presyo:

  •  Diesel - P0.55-P0.65/litro 
  •  Kerosene - P0.60-P0.70/litro
  •  Gasolina - P0.20-P0.30/litro

May P0.55 hanggang P0.65 dagdag-presyong inaasahan sa diesel, at P0.60 hanggang P0.70 dagdag sa kerosene. 

Samantala, may P0.20 hanggang P0.30 dagdag na inaasahan sa gasolina. 

Ayon sa mga taga-industriya, unti-unti nang bumabalik ang malakas na demand sa langis sa Amerika, Europe, at Tsina. 

Naantala rin umano ang pagbabalik ng langis ng Iran sa world market, dahil sa umiiral pa rin na oil embargo. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.